HomeCelebritiesUnang araw ng pagtuturo ni Robredo sa Harvard, nakakuha ng sari-saring reaksyon

Unang araw ng pagtuturo ni Robredo sa Harvard, nakakuha ng sari-saring reaksyon

Nakakuha ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens ang unang araw ng pagtuturo ni dating Vice President Leni Robredo sa Harvard Kennedy School.

Matatandaan na kinuha ng Harvard si Robredo bilang Hauser Leader at isa sa mga trabaho niya dito ay ang magturo sa mga estudyante ng prestihiyosong unibersidad.

Sa mga larawan na kumakalat sa social media ay makikita si Robredo habang ibinabahagi ang kanyang mga ‘quotes’ sa mga estudyante ng Harvard.

“You do not lose sight of what you believe in, you do not lose sight of the goal. You drown out the voices because there are bigger battles to fight,” ayon sa larawan na ibinahagi ni Robredo sa mga estudyante.

image

Sa ikalawang larawan naman ay makikita ang pagpapaliwanag ni Robredo sa kanyang NGO na Angat Buhay.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang pahayag.

“Yun na yun? Kala naman talaga nila mag tuturo e mukhang guest speaker lang sya para itaas ang sarili nya,” ani Norman Zimmerman.

“Siya lang yung taong nag qu-quote ng sarili nyang phrase, masyadong buhat bangko,” sabi naman ni Jexter.

Ilan naman ang hindi mapigilan na maging proud sa naabot ni Robred.

“Nakakaproud ipagyabang na ako ay isang Pilipino.┬áMabuhay ka tabi, Madam Leni Robredo,” komento ni @iammariab15.

“Mabuhay po kayo Madam. Kayo po ang dapat ipagmamalaki ng bawat Pilipino. Pagpalain po kayo palagi ng Maykapal. Amen.” sabi naman ni @vubadongen.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular