HomeCelebritiesJoyce Pring, sinabing mapupunta sa impiyerno ang mga hindi naniniwala sa Diyos

Joyce Pring, sinabing mapupunta sa impiyerno ang mga hindi naniniwala sa Diyos

Naniniwala ang VJ na si Joyce Pring na mapupunta sa dagat-dagatang apoy ang mga hindi naniniwala kay Hesu-Kristo.

Sa isang podcast, sinabi ni Pring na hindi magiging maganda ang kahihinatnan ng mga hindi naniniwala sa Panginoon.

“They’re gonna face judgement and go to hell. Suffer in eternity, forever.” ani Pring.

Ayon sa kanya ay hindi naman mahirap ang maging ligtas mula sa impiyerno at kinakailangan lamang diumano na tanggapin ng mga tao ang mga aral ni Kristo.

“Listen, this is something I really struggle with and I wish that there’s a different answer… But I think what makes Christianity beautiful is that you don’t have to work for heaven, Jesusalready did that for you. And so the only thing that you have to really realize is accept that gift.” aniya.

Maari naman diumanong mapunta sa kalangitan ang mga gumawa ng kasamaan sa mundong ito kung magsisisi sila.

Ikinagulat kahit ng host na si Wil Dasovich ang mga sinabi ni Pring.

Sinabi rin mismo ni Dasovich na hindi siya naniniwala sa mga sinabi ni Pring ngunit patuloy niya parin itong ituturing na isang kaibigan.

Hindi naman lahat ng netizen ay natuwa sa sinabi ni Pring na tinawag na ‘self-righteous’ ng ilang netizens.

I would rather go to hell than be in heaven with self-righteous people like Joyce Pring.” sabi ni @MABuendiaHD.

Tila naungkat din ang pagiging tagasuporta ng VJ kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

screencap 2022 10 13 at 10.38.23 PM

Wala pang tugon si Pring sa mga banat sa kanya ng netizens.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular