HomeCelebritiesFormer Sec. Alunan, ibinunyag ang diumano'y pagiging susunod na cabinet secretary ni...

Former Sec. Alunan, ibinunyag ang diumano’y pagiging susunod na cabinet secretary ni Mar Roxas

Ibinunyag ni dating Tourism at DILG Secretary Rafael Alunan ang diumano’y posibleng pagbabalik ni Mar Roxas sa public service.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Alunan na posibleng maging parte ng gabinete ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Roxas.

Kasama rin diumano sa mga magiging parte ng gabinete ang dating executive secretary ni dating pangulong Noynoy Aquino III na si Paquito Ochoa.

Nagbabala naman si Alunan kay Marcos na kung sakali man matuloy ang pagtatalaga kay Roxas ay Ochoa ay humanda ito sa posibleng maging tugon ng mga bumoto sa kanya.

“It seems that Mar Roxas and Paquito Ochoa will be appointed cabinet positions under the guise of unity. Under whose terms?” ani Alunan.

“Definitely not the forgotten voters who thrust BBM to power. If this happens, it’s “POP goes the weasel.” dagdag pa niya.

Matatandaan na ibinahagi narin ng website na politics.ph ang posibleng pagbabalik ni Roxas.

Hindi naman ito imposibleng mangyari dahil sa pinsan ni Roxas si First Lady Liza Araneta-Marcos.

Ibinahagi din noon ni Marcos na magkaibigan sila ni Roxas.

“As far as I can tell you, that friendship has not gone away, has not changed. Of course, we find ourselves in different parties right now but I don’t think that has interfered with our personal relationship,” ani Marcos sa pagkakaibigan nila ni Roxas.

Wala pang pahayag ang Malacañang tungkol sa sinabi ni Alunan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular