HomePoliticsDOJ Sec. Boying Remulla, nangako na hindi mangingialam sa pagkahuli ng kanyang...

DOJ Sec. Boying Remulla, nangako na hindi mangingialam sa pagkahuli ng kanyang panganay

Naglabas ng kanyang pahayag si Department of Justice (DOJ) Sec. Boying Remulla matapos mahuli ang kanyang anak na si Juanito Jose Remulla III sa operasyon ng PDEA.

Matatandaan na nitong Oktubre 11 ay hinuli ng PDEA si Juanito Jose matapos itong makuhanan ng P1.3-M na halaga ng ipinagbabawal na damo.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Sec. Remulla na hinding hindi niya gagamitin ang kanyang posisyon sa gobyerno para masagip ang kanyang anak sa posibleng parusa sa kanya ng batas.

“I will not intervene in nor influence my son’s predicament, and I have not done so in any way. A person should always face the consequence of their actions and I will let justice take its own course,” ani Remulla.

Ayon sa kanya ay mahal niya man ang kanyang anak ay nasa hustong gulang na ito para harapin ang kanyang mga pagkakasala.

“We all know about unconditional love, but at 38 years old, he will have to face his predicament as a fully emancipated child. I have to abide by the oath of office I took when I assumed this position,” wika niya.

image 1

Sinasabi sa ilang ulat na alam na ng mga otoridad ang mga aktibidad ni Juanito Jose at inabangan na lamang nila ang transaksyon nito.

Galing diumano ang mga damo mula sa ibang bansa.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang suspek tungkol sa pagkakahuli sa kanya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular