HomeCelebritiesCedric Lee, tumayong testigo laban kay Vhong Navarro

Cedric Lee, tumayong testigo laban kay Vhong Navarro

Tumayong testigo ang negosyante na si Cedric Lee laban sa aktor na si Vhong Navarro.

Ibinunyag nitong Oktubre 13 ng kampo ni Deniece Cornejo na isa si Cedric sa mga tumestigo laban sa kinakaharap na kaso ni Vhong.

“Natapos ‘yung aming testigo, unang testigo na si Cedric for today and we will present another one on Monday. We have until November 10 to present all our five witnesses,” ani Atty. Howard Calleja.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

“Testigo natin siya (Lee). Lahat ng testigo natin mahalaga. Tingnan na lang natin kung papano sila pakinggan ng korte,”  dagdag niya pa.

Matatandaan na si Cedric ang isa sa mga sangkot sa ‘condo issue’ na pinagmulan demandahan sa pagitan ni Vhong at Deniece.

Ang grupo ni Cedric ang diumano’y nagtali at nanakit kay Vhong matapos siyang yayain ni Deniece sa kanyang condominium noong 2014.

Itinanggi naman ito ni Cedric ang mga akusasyon laban sa kanya ni Vhong.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cedric Lee (@xcedriclee)

Ikinatuwa naman ng negosyante ang nagiging resulta ng demanda ni Deniece laban kay Vhong.

“He can’t hide anymore  behind De Lima who’s now in jail, or Calvento who’s now dead, or ABS who lost its franchise.” ani Lee sa kanyang pahayag.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular