HomeCelebritiesAnak ni Jackie Chan, pumipila na sa libreng pagkain dahil sa walang...

Anak ni Jackie Chan, pumipila na sa libreng pagkain dahil sa walang nakukuhang suporta sa ama

Inulan ng panawagan ang social media pages ng international star na si Jackie Chan matapos kumalat sa internet ang larawan ng kanyang anak na si Etta Ng habang pumipila ito para makakuha ng libreng pagkain.

Kuha ang nasabing larawan sa Toronto, Canada kung saan piniling manirahan ni Ng.

Kumalat ang larawan sa gitna ng bagong proyekto ni Chan kung saan ay makakatanggap ito ng daan daang milyong dolyares ang aktor.

Nakiusap naman ang ilang netizens na sana’y tulungan man lang ng aktor ang kanyang anak na naghihikahos na sa Canada.

etta ng 1

Matatandaan na naging kontrobersyal ang relasyon ng mag-ama.

Sa isang panayam noong 2015, sinabi ni Ng na hindi niya hiniling na makita ang kanyang ama.

Sa parehong taon din sinabi ni Chan na hindi niya balak bigyan ng mana si Ng dahil nakikita niya naman na hindi ito kailangan ng kanyang anak.

Nitong 2017 naman ay ibinunyag niya na isa siyang miyembro ng LGBT at nagpakasal sa ito sa isang Canadian influencer.

Ibinahagi naman nila na hindi maganda ang kanilang buhay sa Canada at sinabi na sila’y ‘homeless’.

Hindi rin diumano tanggap ng kanyang ama na isa siyang LGBT.

Hindi naman malaman kung magbibigay ba ng tulong ang aktor sa kanyang anak.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular