HomeCelebritiesRichard Yap, kinasuhan ng nagpakilala niyang 'anak': "Hinahamon kita mag pa DNA test,...

Richard Yap, kinasuhan ng nagpakilala niyang ‘anak’: “Hinahamon kita mag pa DNA test, ayaw mo naman”

Humaharap sa kaso ngayon ang aktor na si Richard Yap matapos itong idemanda ng nagpakilala niyang anak na si Joshua Paolo Jensen.

Nagsampa ng kaso si Jensen sa Regional Trial Court Branch 22 sa Cebu City dahil diumano sa pag abandona sa kanya ni Yap.

Ibinahagi ni Cebu City Councilor Niña Mabatid ang dokyumento ng pre-trial brief sa pagitan ni Jensen at Yap.

Ayon kay Jensen ay ilang beses niya ng hinamon si Yap na magpa-DNA test ngunit ayaw diumano ito ng aktor.

“Alam naman naten yung totoo, hindi mo lang matanggap sa sarili mo. hinahamon kita mag pa DNA test, ayaw mo. bakit? takot ka malaman nilang lahat?” banat ni Jensen.

“Sana naman mag pakalalaki ka kahit minsan lang, alam mo matagal ka na namin hinahanap para makausap ng mayos, kaso wala e, puro ka iwas. hinintay mo pa dumating sa puntong to. ngayong dumating na, siguro oras na din para mag kaharap kaharap tayo, para malaman na din nila kung ano ba talaga yung totoo. wag ka mag alala. si lord na bahala sa lahat.” dagdag niya pa.

yap 1

Matatandaan na noong 2021 ay itinanggi na ni Yap na anak niya si Jensen.

“I’ve been in show business for ten years and I still have a child. As you can see that person is not from Cebu. He doesn’t know how to speak Bisaya. Why is he filing in Cebu? Who is behind that?” ani Yap.

“I have never seen him, met him, talk to him ever since. Just wondering where he took me to be his father.” dagdag pa niya.

Nakilala si Yap sa kanyang role bilang ‘Sir Chief’ sa programang Be Careful With My Heart.

Sinubukan naman nitong pumasok sa politika nitong 2019 at 2022 ngunit bigo itong manalo bilang kongresista ng Cebu North District.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular