HomeCelebritiesMystica, nagpakita ng interes kay Pambansang Kolokoy: "Payag ba kayo maging boyfriend...

Mystica, nagpakita ng interes kay Pambansang Kolokoy: “Payag ba kayo maging boyfriend ko siya?”

Nagimbal ang mga netizens sa social media matapos ibahagi  ng 54-anyos na internet celebrity na si Mystica o Ruby Rose Villanueva sa totoong buhay ang isang video kasama ang sikat na vlogger na si Joel Mondina o mas kilala bilang ‘Pambansang Kolokoy’.

Sa nasabing video, makikita si Mystica kasama ang kilalang content creator sa isang bar sa America.

Kita sa video kung paano hinalikan ni Mystica si Pambansang Kolokoy na matatandaang kahihiwalay pa lamang sa kanyang asawa na si Marites Mondina.

READ MORE: Pambansang Kolokoy at asawa niyang si Marites, hiwalay na: “I’m with someone else now and we’re happy”

Tila nagpakita naman ng interes si Mystica kay Pambansang Kolokoy na may milyon milyong followers matapos niyang tanungin ang mga netizens kung gusto ba nilang makita na makarelasyon niya si Mondina.

 

“Payag ba kayong maging boyfriend ko si Pambansang Kolokoy?” ani Mystica.

Ibinahagi na ni Mondina noon na mayroon na siyang kinakasama at hindi naman malaman kung ito ba ay si Mystica.

Sa ngayon ay hindi pa kinukumpirma ni Mondina kung ano nga ba talaga ang totoong relasyon nila ni Mystica.

Matatandaan na nag-viral narin sa social media nitong nakaraang linggo si Mystica matapos itong manghingi ng pagkain sa isang restaurant kung saan may mga nagtatrabaho na Overseas Filipino Workers (OFWs).

READ MORE: Mystica, binatikos dahil sa panghihingi niya ng pagkain sa isang restaurant sa Las Vegas

Itinanggi naman ni Mystica na wala na siyang pera at sinabi na ‘social experiment’ lamang ang kanyang ginawa upang makita ang kabutihan ng mga pinoy sa Amerika.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular