HomeCelebritiesKakampink actor na si Patrick Quiroz wala pang tugon sa akusasyon na...

Kakampink actor na si Patrick Quiroz wala pang tugon sa akusasyon na minolestiya niya ang mga kasamahan niya

Wala pang pahayag sa ngayon ang Kakampink singer at actor na si Patrick Quiroz sa mga akusasyon na nanamantala siya ng kanyang mga naging kasamahan sa mga proyekto niya.

Matatandaan na naging usap-usapan si Quiroz sa social media matapos siyang akusahan ng dating kasamahan nito na si Rhys Miguel na minolestiya siya nito.

Maliban kay Miguel ay may ilan pang istorya na kumakalat sa social media kung saan sinasabi na nabiktima rin sila ni Quiroz.

Hindi naman malaman kung magsasampa ba sila ng kaso laban kay Quiroz na kilala sa pagiging aktibo noon sa pangangampanya para kay dating Vice President Leni Robredo.

@patrickquiroz2

Rosas. #LetLeniLead #LeniRobredo #Rosas

♬ original sound – Patrick Quiroz – Patrick Quiroz

Nilinaw naman ng ABS-CBN na hindi nila binaliwala ang mga natanggap nilang sumbong laban kay Quiroz.

READ MORE: ABS-CBN itinanggi na hindi nila inaksyunan ang sumbong ni Rhys Miguel laban kay Patrick Quiroz

Samantala ay ilang netizens naman ang pinuna kung bakit tila hindi binabangit sa Twitter ang pagiging Kakampink ni Quiroz.

“Nakakabingi yung katahimikan ng mga Kakampink sa issue ni Patrick Quiroz. Bakit? Dahil ba sinabi ni Rhys Miguel na ABS-CBN turned a blind eye sa pangyayari?” tanong ng isang netizen.

“Mga kakampink pagtanggol nyo na si Patrick Quiroz tulad ng ginawa nyo kay Vhong Navarro,” wika naman ng isa pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular