HomeCelebritiesIlang Kakampink, hindi natuwa sa pamamakyaw ni Andrew E ng designer goods...

Ilang Kakampink, hindi natuwa sa pamamakyaw ni Andrew E ng designer goods para sa asawa niya

Ilang ‘Kakampink’ ang hindi ikinatuwa ang larawan na ibinahagi ng rapper na si Andrew E. kung saan makikita ang pamamakyaw ng designer goods nito para sa asawa niya na si Mylene Espiritu.

Si Andrew E. ang isa sa mga celebrities na naging aktibo sa kampanya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte kaya’t ilang netizens ang sinasabi na ‘katas ng unity’ ang mga regalo ng rapper para sa asawa niya.

Makikita sa larawan ang ilang pinamili ng rapper para sa kanyang asawa sa Los Angeles, California.

“Ang katas ng Unity! Tamis ba Andrew E?” sabi ni @johhnytamad.

“Pag alam mong pinagpaguran yung pinopost hndi nkakairita makita.. I have been a fan of Andrew E. since I was a kid and it made me sad na pra sa kabilang parlor siya nangampanya.. And then this..?” sabi ni @nostalgicochee.

“Imbes na ininvest, dyan lahat napunta? And what for? Hahaha show off? Hahahaha,”  wika ni @paolomiguel94.

“Sa laki ng nakuha nyo sa unity, aba eh mag shopping naman kayo sa real store. Go to Beverly Hills since you’re in LA. Anuba. Di nyo manahin si Ai Ai, nagbukas ng bakery sa San Francisco, one of the most expensive city in the US. Kaya nakakuha ng green card dahil business owner.” ani @workshy7.

Wala pang pahayag ang rapper sa pambabatikos na natanggap niya.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular