HomePoliticsDe Lima, inakalang katapusan niya na noong dinukot siya: "Lord, bahala na...

De Lima, inakalang katapusan niya na noong dinukot siya: “Lord, bahala na po kayo..”

Ibinahagi ni dating Sen. Leila de Lima kung ano nga ba ang mga nangyari ng siya ay gawing hostage ng isa sa mga tumatakas na inmate sa PNP Custodial Center nitong Oktubre 9.

Sa kanyang kwento, 6:40 a.m ng pasukin siya ng isa sa mga inmate na si Feliciano Sulayao Jr. na agad siyang itinali.

Sinabihan siya noon ni Sulayao na wala na ang kanyang mga kasamahan kaya’t kailangan niya si De Lima upang makatakas sa mga otoridad.

de lima home furlough scaled

“Wala daw siyang choice dahil ako lang daw ang paraan na makalabas siya at makatakas,” kwento ni De Lima.

Ayon sa kanya ay hiniling ni Sulayao ang isang hummer at C-130 na magdadala sa kanila sa Sulu.

Isa diumano sa mga reklamo ng dumukot sa kanya ay ang diumano’y pagpapakain sa kanila ng baboy kahit na sila ay muslim.

“Ang sagot niya si Sulayao. Ang sabi niya, ‘Marami kaming reklamo sa ginagawa sa amin dito. Para kaming hayop itrato at ang mga pagkain ay may baboy’,” aniya.

de lima hostage 1

Habang tumatagal ay tila lalong sumasama ang timpla ni Sulayao kaya naman hindi mapigilan ni De Lima na mapaisip kung makakaligtas pa ba siya.

“Sabi niya, ‘Mamatay na rin lang ako ma’am kaya isasama na kita. Maraming sniper diyan sa labas,’” kwento ni De Lima.

Dumating ang 7 a.m at doon na diumano sinabi ni Sulayao na handa na siyang mamatay kasama siya.

“Sigaw siya ng sigaw na kailangan niya ng media at nung wala pa, sinabi niya, ‘Ito na po ma’am, oras na, mamatay na tayo,” sabi ng dating senadora.

“Then he started praying in Islam, and then I started praying also quietly, closed my eyes, and uttered mentally, ‘Dear Lord, bahala na po Kayo’” dagdag niya pa.

Matatandaan na nakaligtas si De Lima matapos humingi ng tubig si Sulayao sa mga otoridad.

Dito na nakakuha ng pagkakataon ang isa sa mga pulis na si Col. Mark Pespes na patumbahin si Sulayao.

Todo naman ang pasasalamat ni De Lima dahil sa hindi diumano siya pinabayaan ng Panginoon.

“Hindi talaga natutulog ang Diyos. At mahal Niya ako. May dahilan ang mga pangyayaring ito sa buhay ko, bagamat di ko pa lubusang naiintindihan. Thank you so much, Bishop Soc, for all the love, constant spiritual guidance and prayers. Mahal ko po kayo. Mahal ko po ang Panginoon.” ani De Lima.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular