HomeCelebritiesDating asawa ni Koko Pimentel na si Jewel Lobaton, huli dahil sa...

Dating asawa ni Koko Pimentel na si Jewel Lobaton, huli dahil sa kasong estafa

Hinuli ng mga otoridad ang dating asawa ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na si Jewel Lobaton dahil sa kasong estafa.

Nitong Oktubre 11 ay inanunsyo ng PNP ang pagkakahuli nila kay Lobaton na isang beauty queen bago niya makilala si Pimentel.

Hinuli si Lobaton sa bisa ng warrant na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 226.

Noong Septyembre 28, 2018 pa inilabas ang nasabing warrant ngunit ngayon lamang nahuli si Lobaton na namamalagi sa Laoag City.

Sa ngayon ay nakakuha ng panandaliang kalayaan si Lobaton matapos itong magpiyansa ng P48,000.

Ibinahagi ng FashionPulis ang ilan sa mga larawan ni Lobaton matapos itong mahuli.

Hindi naman malinaw kung sino ang nagsampa ng reklamo laban sa dating beauty queen.

lobaton 1

Wala pang pahayag si Pimentel sa nangyari sa kanyang asawa.

Matatandaan na naghiwalay ang dalawa noong 2012.

Ayon sa ilang records mula sa korte ay sinabi ni Lobaton na hindi diumano maganda ang naging karanasan niya sa kamay ni Pimentel kaya’t gusto nitong mapawalang bisa ang kanilang kasal.

Idineklarang annulled ang kanilang kasal nitong 2018.

Nitong 2020 ay naglabas pa ng pahayag si Lobaton matapos itong mag-alala sa kanyang mga anak na nasa kustodiya ni Pimentel.

Ikinuwento niya na noong 2017 niya pa huling nakita ang kanyang mga anak kay Pimentel.

Itinanggi naman ni Pimentel ang akusasyon mula sa kanyang dating asawa.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular