HomeCelebritiesABS-CBN itinanggi na hindi nila inaksyunan ang sumbong ni Rhys Miguel laban...

ABS-CBN itinanggi na hindi nila inaksyunan ang sumbong ni Rhys Miguel laban kay Patrick Quiroz

Naglabas ng pahayag ang ABS-CBN tungkol sa rebelasyon ng dating Pinoy Big Brother housemate Rhys Miguel laban sa singer-actor na si Patrick Quiroz.

Nitong Oktubre 11, ibinunyag ni Miguel na diumano’y hinalay siya ni Quiroz sa gitna ng kanilang taping noon para sa unang season ng web series na ‘He’s Into Her’.

Ayon kay Miguel ay una pa lamang ay talagang hindi na maganda ang ugali na ipinapakita ni Quiroz sa mga kasamahan nila sa taping.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rhys Miguel (@rhys_miguel)

Ngunit umabot sa sukdulan ang lahat ng diumano’y pagsamantalahan siya ni Quiroz habang siya ay natutulog.

Sinubukan niyang isumbong ang ginawa sa kanya ng singer-actor ngunit sinabihan diumano siya ng management staff na itago na lamang ang nangyari.

Ngunit ayon sa ABS-CBN Films ay hindi totoo na pinabayaan na lamang nila ang sumbong ni Miguel.

“Contrary to the claims made by Rhys Miguel on 11 October 2022, ABS-CBN Film Productions immediately conductied an investigation upon receiving his complaint in December 2020 and swiftly took approriate action to protect the rights of everyone involved,” sabi ng ABS-CBN.

“AFPI takes these matters seriously. The safety, dignity, and privacy of our people are our utmost priority,” dagdag pa nila.

Wala pang tugon si Miguel sa naging pahayag ng ABS-CBN.

Hindi naman malaman kung magsasampa ng pormal na reklamo si Miguel laban kay Quiroz.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular