HomeCelebritiesUna't huli! Michael Pacquiao, hindi na muling sasabak sa boxing: "“Sinubukan ko...

Una’t huli! Michael Pacquiao, hindi na muling sasabak sa boxing: ““Sinubukan ko lang”

Wala na diumanong balak na lumaban muli sa boxing si Michael Pacquiao matapos ang unang amateur fight nito laban kay Nathaniel Ruiz.

Matatandaan na natalo ni Pacquiao si Ruiz via unanimous decision nitong Oktubre 9 sa BF Homes Phase I Gymnasium sa Paranaque.

Ngunit hindi naging madali ang naging laban ni Pacquiao kung saan makikita na dumugo ang ilong nito matapos makatikim ng isang straight mula sa kanyang kalaban.

Maraming netizen ang naniniwala na malaki ang potensyal ni Michael sa boxing ngunit agad nilinaw ng binata na hindi siya seryoso na magpatuloy sa nasabing sports.

Sa panayam sa kanya ni Dyan Castillejo, sinabi ni Pacquiao na gusto niya lamang subukan ang boxing ngunit wala itong balak na lumaban muli katulad ng kanyang kapatid na si Jimuel.

Ayon sa kay Michael ay mas pagtutuunan niya ng pansin ang kanyang music career.

“I just want to experience [boxing]” ani Michael.

Hindi naman malaman kung magbabago pa ang isip nito at magpapatuloy sa boxing katulad ng kanyang kapatid na si Jimuel.

Si Michael ay anak ng nag-iisang eight division world champion na si Manny Pacquiao.

Wala pang pahayag ang ama ni Michael tungkol sa unang amateur fight nito.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular