HomeCelebritiesSen. Chiz Escudero, soot ang wedding ring nila ni Heart Evangelista

Sen. Chiz Escudero, soot ang wedding ring nila ni Heart Evangelista

Ilang netizens ang hindi napigilan na punahin ang hindi diumano pagbati ni Heart Evangelista sa kanyang asawa na si Sen. Chiz Escudero na ipinagdiwang ang kaarawan niya nitong Oktubre 10.

Hindi maiwasan ng mga netizens na mapatanong lalo na’t nasa 10.9-M ang followers ni Heart.

Dahil sa tila hindi pagpansin ni Heart sa kaarawan ng kanyang asawa ay lalong lumakas ang kutob ng ilang netizens na hiwalay na talaga ang dalawa.

heart 1

Ngunit sa isang larawan na kumakalat ngayon sa social media ay makikita ang senador na soot soot parin ang kanyang wedding ring at ang kwintas na regalo sa kanya ni Heart.

Kuha ang nasabing larawan nitong Oktubre 4.

chiz 1

Ilang netizens ang sinabi na nangangahulugan na hindi parin sumusuko ang senador sa kanyang relasyon kay Heart.

Nagpasalamat naman si Heart sa mga bumati sa kanya.

screencap 2022 10 12 at 1.01.39 AM

Sa ngayon ay wala paring linaw kung ano na nga ba talaga ang relasyon ng dalawa.

Matatandaan na sinabi ng talent manager ni Heart na si Ogie Diaz na hindi na soot ng aktres ang wedding ring nila ni Chiz.

READ MORE: Heart Evangelista, hindi na diumano soot ang wedding ring nila ni Chiz Escudero

Sinabi rin mismo ng aktres na mayroon siyang mabigat na pinagdadaanan ngunit itinanggi niya na ibunyag ito sa mga netizens.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular