HomeCelebritiesMiss Glenda vs Rosmar? Dalawang CEO balak magsampa ng 'patong patong' na...

Miss Glenda vs Rosmar? Dalawang CEO balak magsampa ng ‘patong patong’ na kaso

Mainit ang usapin ngayon sa social media tungkol sa dalawang negosyante na sina Glenda Dela Cruz ng Brilliant Skin Essentials at Rosmar Tan ng ‘Rosmar Skin Essentials’.

Nag-umpisa ang isyu sa pagitan ng dalawa sa simpleng parinigan sa social media at ngayon ay umabot na sa sukdulan ang pagtatalo ng dalawa.

306491194 1507432096389213 7850345271709138291 n

Ito’y matapos pumunta sa Department of Justice (DOJ) si Dela Cruz laban sa iba’t ibang personalidad na diumano’y naninira sa kanya.

Kasama ni Glenda ang ilang bigatin na abogado na sina Atty. Garreth Tungol, Atty. Joren, Atty. Daniel, Atty. Gab at Atty. Sarah.

“I know, God is always with me,” sabi ni Dela Cruz sa kanyang post.

311444721 409237791401334 3349018449534549358 n

Sa isang post naman ay tila nagbigay ng tugon si Tan sa ginawa ni Dela Cruz at sinabi na magsasampa rin ito ng kaso laban sa mga naninira sa kanya.

Hindi rin daw ito natatakot kung masampahan siya ng kaso.

“Natatawa ako sa mga taong nagsasabi na matakot daw ako sa kaso  linyahan ng mga walang pang bayaaad ng abogadotalk to my lawyersssssssssssss1000x.” ani Rosmar.

“Pinasisikat mo lang ako lalo! thank you ROSMAR LANG PEYMUS.” dagdag pa niya.

rosemar 2

“RELAX MUNA TAYO OVERNIGHT BAGO MAG FILE NG PATONG PATONG NA KASO BUKAS SA ‘IBAT IBANG TAO’. ABANGAN! PAGTITYAGAAN KO KAYO KAHIT MEDYO SASAYANGIN N’YO ORAS KO. SANA LANG UMABOT HANGGANG DULO ANG LACASH NYO! HAHAHAHA,” sabi pa niya.

rosemar 3

Hindi naman malaman kung sino ang sasampahan niya ng kaso ngunit ilang netizens ang naniniwala na kasama na si Dela Cruz sa kanyang mga idedemanda.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular