HomeCelebritiesLolo ni Deniece Cornejo, mas gusto na mag 'areglo' na lamang ang...

Lolo ni Deniece Cornejo, mas gusto na mag ‘areglo’ na lamang ang apo niya at si Vhong Navarro

Naniniwala ang lolo ni Deniece Cornejo na si Atty. Axel Gonzalez na mas mainam na idaan na lamang sa ‘areglo’ ang kaso na isinampa ng kanyang apo laban sa aktor na si Vhong Navarro.

“As a lawyer dapat pareho silang may career e, i-settle nalang nila ‘yung problema,” ani Atty. Gonzalez.

“Tulungan nalang natin ang korte, settle all this problems na pwedeng ma-settle diba? And then move on nalang,” dagdag niya pa.

Wala pang pahayag ang mismong abogado ni Deniece na si Atty. Howard Calleja kung susubukan ba nilang makipag-areglo nalang kila Vhong.

Kahit mismong si Deniece ay hindi pa malaman kung bukas ba siyang tapusin na lamang ang kanyang pakikipaglaban sa korte kapalit ng pakikipag-areglo.

Wala pang sagot ang kampo ni Vhong kung handa ba silang makipag-areglo kay Deniece.

Hindi naman malaman kung ang kagustuhan ba ni Gonzalez na makipag-areglo na lamang si Deniece kay Vhong ang dahilan ni Atty. Ferdinand Topacio kaya’t nagbitiw ito bilang abogado ng model.

Matatandaan na sinabi ni Topacio na may ilang indibidwal na gustong baguhin ang ruta ng kanilang isinasampang kaso laban kay Vhong.

READ MORE: Atty. Ferdinand Topacio, nagbitiw bilang counsel ni Deniece Cornejo sa kaso nito laban kay Vhong Navarro

“There are certain people, however, who are trying to take the case in a direction which I do not wish to pursue as an advocate.” ani Topacio.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular