HomeCelebritiesJay Sonza, hindi na natuwa kay PBBM: "PAGKAKAISA ng mga mayayaman, ng...

Jay Sonza, hindi na natuwa kay PBBM: “PAGKAKAISA ng mga mayayaman, ng mga makapangyarihan, ng mga elitista, ng mga sosyal!”

Tila hindi na natuwa ang beteranong mamamahayag at kilalang tagasuporta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si Jay Sonza sa mga nangyayari sa kasalukuyang administrasyon.

Sa kanyang Facebook post, nagbigay ng sarkastikong mensahe si Sonza para kay Marcos Jr. na matatandaan na nag-alok kay dating Sen. Leila de Lima na lumipat ng detention center.

Tila pinuna ni Sonza ang paglalagay prayoridad ni Marcos sa pakikipag-usap sa mga makapangyarihang tao imbis na sa mga bumoto sa kanya na 31-M.

“Huwag mong alalahanin ang mahigit na 31 milyong Pilipino na naghalal sa iyo. Nandiyan naman sila all the way. Mananatili silang nasa likod mo kahit ano pa ang mangyari. Sasambahin ka pa rin nila kahit anong mangyari.” ani Sonza.

“Kailangang-kailangan ng bansa ay isang katulad mo. Oo, totoong nabigyan kami ng babala sa maaring mangyari oras na mahalal ka. Subalit, matibay ang aming pagtitiwala sa iyo bilang pangulo, lalo na sa iyong pangako ng pambansang PAGKAKAISA.

“Sa lundo ng iyong ika-100 araw ng panunungkulan, lubos na namin nauunawaan ang ibig mong ipakahulugan. PAGKAKAISA ng mga mayayaman, ng mga makapangyarihan, ng mga elitista, ng mga sosyal.” sabi pa niya.

Ayon kay Sonza ay ‘yun ang kanyang naramdaman sa unang 100 araw ng administrasyon ni PBBM.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang palasyo sa banat ni Sonza sa pangulo.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular