HomePoliticsAtty. Mel Sta Maria, payo kay PBBM na palayain si De Lima:...

Atty. Mel Sta Maria, payo kay PBBM na palayain si De Lima: ‘It will improve your reputation’

Naniniwala dean ng Far Eastern University (FEU) Institute of Law at broadcaster na si Atty. Mel Sta. Maria na posibleng makatulong sa reputasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapalaya kay dating Sen. Leila de Lima.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Sta. Maria na mas mabuti na palayain na ni Marcos Jr. si De Lima matapos ang nangyari sa dating senadora sa loob ng PNP Custodial Center.

“My unsolicited advice to President BongBong Marcos, is this: authentically initiate the release of Senator Delima. It will be best for the country, for the people and, yes, it will be good for your administration.” ani Sta. Maria.

“Do it. Take that courageous step. RELEASE yourself from that perception that you are just an extension of the previous administration.” dagdag pa niya.

Makakatulong din diumano ito na mapaganda ang imahe ni Marcos sa kanyang mga kritiko.

“THIS is a case which the President can definitely do without. He does not need Sen. De Lima’s case. Believe it or not, a freed De lima will help improve President Marcos Jr.’s reputation.” aniya.

screencap 2022 10 11 at 8.39.12 PM

Matatandaan na dinukot ng isa sa tatlong tumatakas na miyembro ng Abu Sayaff si De Lima.

Nailigtas naman si De Lima at ngayon ay pinag-aaralan na ng kampo ng dating senadora ang paghiling sa korte na payagan ang kliyente nila na manatili nalang sa kanyang tahanan habang dinidinig ang mga kaso laban sa kanya.

Samantala ay tikom naman ang bibig ng Malacañang sa kung ano ang maaring kahinatnan ni De Lima sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular