HomePoliticsPara safe! De Lima, planong hilingin sa korte na payagan siyang manatili...

Para safe! De Lima, planong hilingin sa korte na payagan siyang manatili sa bahay niya

Plano ng kampo ni Leila de Lima na hilingin sa korte na payagan ang dating senador na makauwi sa kanyang bahay at manatili doon pansamantala.

Ito’y matapos dukutin si De Lima ng mga kasama nitong inmate sa PNP Custodial Center nitong Oktubre 9.

“Kaming defense team ay nagre-ready na i-discuss sa kanya mamaya yung possibility lang naman ng home furlough as suggested by Senator Imee Marcos kahapon, na sinasabi niya ay in-offer daw sa amin ng DOJ at PNP. Pag-aaralan namin ito,” sabi ni Atty. Filibon Tacardon, abogado ni De Lima.

“Kung sakaling pumayag si Senator Leila de Lima ay maghahanda kami ng kaukulang mosyon para ihain ito sa hukuman at hingin ang permiso ng ating huwes para mabigyan siya ng home furlough,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay wala pang desisyon si De Lima kung gusto niya bang manatili muna sa kanyang tahanan.

Matatandaan na bukas ang Department of Justice (DOJ) sa posilibidad na bigyan ng pagkakataon si De Lima na manatili muna sa kanyang tahanan habang dinidinig ang mga kaso laban sa kanya.

Ito rin ang kagustuhan ni Sen. Imee Marcos.

“As former members of the Kabataang Barangay together, we are all deeply worried about her health and safety,” ani Sen. Marcos sa kanyang pahayag.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular