HomeCelebritiesJaime Fabregas, nakiusap na palayain na si De Lima: "There are is...

Jaime Fabregas, nakiusap na palayain na si De Lima: “There are is no case against her!”

Isa ang aktor na si Jaime Fabregas sa mga sikat na personalidad na hinihiling na sana’y mapalaya na sa lalong madaling panahon si dating Sen. Leila de Lima.

Ito’y matapos dukutin si De Lima nitong Oktubre 9 sa kanyang sariling selda sa PNP Custodial Center ng ilang kalalakihan na sinusubukang tumakas sa Camp Crame.

Naniniwala rin si Fabregas na walang kaso na kinakaharap si De Lima.

“FREE SEN LEILA DE LIMA IMMEDIATELY!! There are is NO CASE against her!!” ani Fabregas.

screencap 2022 10 10 at 6.40.34 PM
Larawan mula kay @fabre_jaime/Twitter

Ilang netizen naman ang pumabor sa sinabi ni Fabregas.

“Thank you very much, Sir  @fabre_jaime! Let’s pray for Sen. Leila’s safety and mananaig pa rin ang tama at kabutihan. Sobra na ang kasamaan.Please God protect us and enlighten everyone! Nakakapagod na intindihin ang baluktot na paniniwala.” sabi ni @lenikiko2022gt.

Ang ilan naman ay itinama si Fabregas at sinabi na mayroong mga kinakaharap na kaso ang dating senadora.

“This is the main reason why celebrities should be barred from talking about politics. My goodness!” sabi ni @GarciaKit13.

Matatandaan na patong patong na kaso ang kinakaharap ngayon ni De Lima na may kinalaman sa mga diumano’y ginawa nitong iligal noong siya ay kalihim pa ng Department of Justice (DOJ).

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular