HomeCelebritiesPercy Lapid, hindi diumano anti-Marcos matapos kumalat ang ilang pahayag nito

Percy Lapid, hindi diumano anti-Marcos matapos kumalat ang ilang pahayag nito

Kumalat muli sa social media ang ilang pahayag ng nasabing mamamahayag na si Percy Lapid na tila papuri sa pamilya Marcos.

Ito’y sa gitna ng pagkalat ng mga ulat kung saan ay tinawag na ‘Anti-Marcos’ si Lapid ng ilang media outlet.

Sa ilang videos na kumakalat sa social media, makikita ang mga pahayag ni Lapid tungkol sa diumano’y angking yaman ng mga Marcos.

Sa kasamaang palad ay hindi naman napatunayan kung mayroon ba talagang ginto ang mga Marcos.

Sa isang Facebook post naman ay ibinahagi ni ‘Imperial Patriach’ na hindi maituturing na isang anti-Marcos si Lapid matapos nitong mapanood ang ilan sa mga komentaryo nito.

Ngunit kung titignan ay talaga namang kritiko ng mga Duterte noon pa man si Lapid.

“He wasn’t actually “anti-Marcos” or maybe not “anti-BBM”.” sabi ng blogger.

“If anything he was anti-Duterte (this part hasn’t changed for years, no surprise), and he didn’t like the people who were around BBM (specifically one ES who is not anymore in his cabinet).” dagdag pa nito.

Mapapansin din diumano kay Lapid na pinupuri nito paminsan minsan ang pamilya Marcos.

Matatandaan na isa si Marcos sa mga tila sinisisi ng ilang netizens tungkol sa nangyari kay Lapid dahil diumano sa kritiko ito ng pangulo.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular