HomeCelebritiesJanno Gibbs, hindi bilib sa first 100 days ni PBBML : "It's...

Janno Gibbs, hindi bilib sa first 100 days ni PBBML : “It’s been very productive for himself”

Tila hindi bilib ang singer na si Janno Gibbs sa unang 100 araw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nitong Oktubre 7, ibinahagi ni Janno ang kanyang opinyon tungkol sa mga nagawa ni Marcos sa kanyang unang 100 araw.

Tila sinasabi nito na ang pangulo lamang ang nakinabang sa unang 100 araw nito.

Umaasa naman siya na mas magiging maganda ang performance ng pangulo sa susunod na mga susunod na buwan.

“In the first 100 days of Pres. BBM; so far it’s been very productive… for himself,” ani Janno.

“Hoping for better in the next 100,” dagdag pa niya.

janno post

Matatandaan na agad naging puno ng pambabatikos ang naging unang 100 araw ni Marcos dahil sa diumano’y pagiging abala nito sa mga social events at party.

Isa si Janno sa mga celebrities na aktibo sa pagbibigay ng opinyon tungkol sa mga nangyayari sa bansa.

Dahil dito ay maraming netizen ang binabatikos ang singer at inuungkat ang mga isyu nito.

Isa na sa mga isyu ni Janno ay ang diumano’y kumalat nitong pribadong video na itinanggi naman niya.

READ MORE: Janno Gibbs, itinanggi na nag-ala Jim Paredes siya sa isang video: “Madami akong kahawig”

“Ang hirap sagutin. Kasi ako, alam ko sa sarili ko na hindi ako yun.” paumpisa ni Janno. “Either sobrang kamukha ko. Hindi naman sobrang ano ng face ko, e. Madami akong kahawig o technically manipulated.”

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular