HomePolitics#FreeLeilaNow isinusulong ng mga netizens matapos dukutin si De Lima sa loob...

#FreeLeilaNow isinusulong ng mga netizens matapos dukutin si De Lima sa loob ng Camp Crame

Nag trending sa social media ang hashtag #FreeLeilaNow upang pakiusapan ang gobyerno na palayain na si dating Sen. Leila de Lima matapos itong ma-hostage sa loob ng PNP Custodial Center nitong Oktubre 9.

Matatandaan na tatlong pinaghihinalaang sub-leader ng Abu Sayaff ang sinubukan gamitin si De Lima upang makatakas sa Camp Crame ngayong umaga.

Matagumpay naman itong napigilan ng SWAT at nailigtas si De Lima.

READ MORE: Dating Sen. Leila de Lima, ligtas matapos i-hostage sa loob ng Camp Crame

Sa ilang post sa Twitter, makikita ang kagustuhan ng mga tagasuporta ni De Lima na palayain na ito at kinuwestiyon din nila ang pagiging ligtas ng dating senador sa loob ng Camp Crame.

Eto ang ilan sa mag mensahe ng mga tagasuporta ni De Lima:

Sa isang tweet, ipinag-utos ng Human Rights Watch Philippines sa gobyerno na dapat ay palayain na sa lalong madaling panahon si De Lima dahil sa nangyari.

Isang netizen naman ang nagdududa kung may iba pa bang dahilan kung bakit si De Lima ang kinuha ng tatlong suspek.

“Good Lord #FreeLeilaNow before anything happens to her inside the PNP custodial facility.She isn’t safe there anymore..🙏🙏🙏
Just wondering is there someone who wanna keep her silent bcoz the cases filed against her are all made up and that “someone” will be soon unmasked?” ani @lilalesid_0908.

“They literally wanted to silence Atty. Leila de Lima. This is why we should never stop calling for her immediate freedom and for justice to be served the soonest possible time. Let us always include Atty.Leila, her safety & security in our prayers! #FreeLeilaNow #ProtectLeila,” sabi ni @rryyyaaaaaannnnn.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag si De Lima tungkol sa nangyari.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular