HomePoliticsDating Sen. Leila de Lima, ligtas matapos i-hostage sa loob ng Camp...

Dating Sen. Leila de Lima, ligtas matapos i-hostage sa loob ng Camp Crame

Nasawi ang tatlong hostage taker na ginamit si dating Sen. Leila de Lima upang makatakas sa PNP Custodial Center nitong Oktubre 9 ng umaga.

Sa ulat ng PNP, matagumpay nilang nailigtas si De Lima mula sa kamay ng pinaghihinalaang mga sub-leader ng Abu Sayaff na si Feliciano Sulayao Jr., Idang Susukan at Arnel Cabintoy.

Si Feliciano diumano ang kumuha kay De Lima upang magamit nila ito sa pagtakas sa custodial center.

Ngunit bigo ang tatlo na makatakas matapos silang matagumpay na napigilan ng mga miyembro ng SWAT.

Ayon naman kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ay nangyari ang insidente nitong 6:30 AM habang nag-aabot ng mga pagkain si Police Corporal Roger Agustin sa grupo ni Sulayao.

Inatake diumano ng tatlo si Agustin gamit ang isang makeshift knife saka tumakas sa kanilang mga selda.

Sa ngayon ay nasa ligtas ng kalagayan si De Lima habang nasa ospital naman ang ilang pulis na nasaktan sa insidente.

“Hindi masyadong nasaktan si Senator de Lima. Pinapacheckup natin siya kung ano kalagayan niya. Definitely, she is safe.”  ani Azurin.

Samantala ay nakunan naman ng video ang sitwasyon sa loob ng Camp Crame sa gitna ng nangyaring hostage taking.

Wala pang pahayag ang kampo ni De Lima tungkol sa nangyari.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular