HomeCelebritiesConcerned! President Marcos kakausapin si De Lima upang tanungin kung gusto nitong...

Concerned! President Marcos kakausapin si De Lima upang tanungin kung gusto nitong lumipat ng selda

Mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nagsabi na kakausapin niya si dating Sen. Leila de Lima upang kamustahin ito matapos itong i-hostage sa kanyang selda sa Camp Crame.

Matatandaan na nitong Oktubre 9 ay dinukot ng tatlong inmates na sina Arnel Cabintoy, Idang Susukan at Feliciano Sulayao Jr. si De Lima habang sinusubukan nilang tumakas sa Camp Crame.

Kahit hindi pa tapos ang imbestigasyon ay sinabi ni Marcos na tatanungin niya si De Lima kung gusto nitong lumipat ng selda.

“Following this morning’s incident at Camp Crame, I will be speaking to Senator De Lima to check on her condition and to ask if she wishes to be transferred to another detention center,” ani Marcos.

marcos de lima
Larawan mula kay @bongbongmarcos/Twitter

Samantala ay sinabi ni Interior Sec. Benhur Abalos na tinanggihan ni De Lima ang alok ni Marcos na lumipat ng detention center.

Hindi naman nagustuhan ng ilang netizen ang alok ni PBBM kay De Lima.

“Kindly inform the President that the power to determine the matter of confinement is lodged with the court that has jurisdiction over the case for which the prisoner is confined. It is neither his nor the prisoner’s prerogative.” sabi ni Nestor Fernandez Jr.

“Sana wag masyadong mabait or very lenient Mr. President. we all support your good intentions but we hope you will be stern and will not always give in. just saying. cguro nmn sa lahat ng tao ikaw mas nkakaalam na maraming mga abusado. we dont want to see you fail and that is why we always suppoirt u.” ani Candice Xiao.

“OMG, pupuntahan c delima kausapin, tapos yung situation na nasalanta ng kalamodad,ayaw,” wika ni Endai Manlangit.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular