HomeNetizen's VoiceRadio host at mamamahayag, duda sa pagbabanta na natanggap ni Renato Reyes:...

Radio host at mamamahayag, duda sa pagbabanta na natanggap ni Renato Reyes: “Feelingero mo naman!”

Duda ang ilang netizens sa pagbabanta na natanggap ni Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Secretary-General Renato Reyes Jr.

Matatandaan na nitong Oktubre 6 ay ibinunyag ni Reyes Jr. na mayroon siyang natanggap na mensahe mula sa isang netizen kung saan ay sinabi nito na siya na ang isusunod sa nasawing mamamahayag na si Percy Lapid Jr.

READ MORE: Renato Reyes, nakakatanggap ng banta: ‘Susunod na daw ako kay Percy Lapid!’

screencap 2022 10 06 at 10.16.20 PM

Ngunit duda ang ilang netizens kasama ang radio host na si Mark Lopez at NET25 reporter na si CJ Hirro sa sinabing ito ni Reyes.

Ayon kay Lopez ay kung mayroon man diumanong gagawa ng masama kay Reyes ay yun ay ang mga kasamahan niya.

“Ikaw naman Nato, feelingero mo naman. Eh kung may gagawa ng masama sa iyo, sure yan mga kasamahan mo din. Kayo kayo kaya ang mga nag uubusan, lalu na kung katulad mo na konsumo na lang ng alyansa nyo at wala ng pakinabang kasi wala ka na credibility sa lipunan.” ani Lopez.

Hindi rin diumano magugustuhan kahit ng mga kalaban ni Reyes na mawala ito.

“Mawawalan kami ng entertainment, lalu na ung mga banat mong “US Tuta ng Kano” sabay higop ng Coke McFloat!” aniya.

Ito rin ang paniniwala ni Hirro kung saan ay pinuna nito ang paggamit sa nangyari kay Lapid upang magpasikat sa social media.

“What’s so special and startling about what he has said regarding the Singapore trip (or anything else really) that would warrant shutting him up for good?” ani Hirro.

“Does he really think the rehashed battlecries he’s used in every administration still make an impact? Even his own colleagues have gone tired of them and have turned their backs to the organization he’s part of and everything it claims to stand for.” dagdag pa niya.

Binanggit din ni Hirro ang nangyaring isyu noong 2020 kung saan ay nabisto ang ilang grupo ng mga aktibista na diumano’y nakakatanggap ng pagbabanta na kalaunan ay nalaman na galing lang pala sa numero ng mga kasamahan nila.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Reyes sa mga nagdududa sa kanyang natanggap na banta.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular