HomeCelebritiesKris Aquino, sinabing gusto pa niyang makita si Bimby na maka-graduate

Kris Aquino, sinabing gusto pa niyang makita si Bimby na maka-graduate

Ibinahagi ng entertainment writer na si Dindo Balares kung ano na nga ba ang update sa kalusugan ng kanyang kaibigan na si Kris Aquino.

Sa kanyang Instagram post, ibianhagi ni Balares na tuloy tuloy lamang ang pagpapagamot ni Kris sa kanyang kakaibang sakit sa America.

Inamin nito na hirap siya sa kanyang pinagdaraanan ngunit hindi parin niya nakalimutan na magpasalamat para sa mga nagdarasal para sa kanya.

“The loyalty & genuine love of people like you and the prayers, generousity, and kindness of people i’ve never even met-super blessed na ‘ko,” ayon sa text ni Kris kay Balares.

Isa pa sa mga dahilan kung bakit ito pilit na nakikipaglaban sa kanyang sakit ay sa kagustuhan niyang maabutan ang pagtatapos ng anak niya na si Bimby sa isa sa mga prestihiyosong unibersidad sa Amerika o sa Pilipinas.

“Mahaba pa ang laban – my goal is to see Bimb graduating from an Ivy League School or UP, UST, or Ateneo Med School,” wika pa niya.

screencap 2022 10 08 at 4.41.29 PM

Matatandaan na sinabi ng kapatid ni Kris na lalo pang dumami ang kondisyon ni Kris.

Bumagsak din ang timbang nito kaya’t hirap ang mga doktor na ipagpatuloy ang kanyang gamutan.

READ MORE: Kris Aquino, nasa 38 kilos na lamang ngayon: “There was a time she was about to give up”

Hindi naman malaman kung kailan makakauwi ng Pilipinas ang kilalang television host.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular