HomeCelebritiesKarne mula daw sa aso at pusa, ibinebenta online para ihalo sa...

Karne mula daw sa aso at pusa, ibinebenta online para ihalo sa mami at pares

Isang nagngangalang Markus Adrian ang inuulan ng batikos matapos kumalat sa social media ang kanyang pagtitinda ng diumano’y karne na galing sa aso at pusa na gagamitin diumano para sa Pares.

Sa nasabing post ay makikita ang pagtitinda ni Markus Adrian ng ‘cat/dog litid’ na diumano’y maaring gamitin sa pares, mami at shawarma na sikat na sikat pa naman ngayon sa mga bangketa.

markus adrian 1

Makikita pa sa ilang post na tila mayroon ng mga parokyano si Adrian sa kanyang itinitinda na mga ipinagbabawal na karne.

“Salamat sa tiwala… Haters gonna hate,” ani Adrian sa kanyang post sa group ng mga nagtitinda ng Pares sa Facebook.

markus adrian 2

Ilang netizens naman ang hindi naiwasan na i-report sa mga otoridad ang nasabing post.

Hinanap naman ng ilang animal rights advocate si Adrian upang malaman kung totoo ba na nagtitinda ito ng nasabing mga karne

Sa isang komento ay itinanggi ni Adrian na nagtitinda siya ng karne ng aso at pusa.

“Joke joke lang po eyan,” sabi ni Adrian.

screencap 2022 10 08 at 5.03.36 PM

Ngunit ilang netizen ang hindi kumbinsido at hinimok ang mga otoridad na imbestigahan ang lalaki.

Kung biro lamang din diumano ang post ng lalaki ay dapat parin itong maparusahan dahil madaming negosyo ang posibleng maapektuhan ng kanyang post.

Ipinagbabawal sa Anti-Rabies Act (RA 9482) ang pagbebenta ng karne ng aso o pusa.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular