HomeCelebritiesRegine Velasquez pumalag sa mga humihiling na magkahiwalay sila ni Ogie: "Nakakapagod...

Regine Velasquez pumalag sa mga humihiling na magkahiwalay sila ni Ogie: “Nakakapagod na!”

Hindi na nakatiis ang Asia’s Songbird Regine Velasquez sa mga netizens na diumano’y ipinagdarasal na magkahiwalay na sila ng asawang si Ogie Alcasid.

Nitong Oktubre 6 ay sinabi ni Regine na “nakakapagod” na makita na mayroong mga netizens na gustong makita na masira ang relasyon niya kay Ogie.

“Nakakapagud na ‘yung mga taong nag papanggap na “we care about her” and yet continues to wish my relationship with MY HUSBAND to fail. I don’t understand anymore. Well I guess block kiti block na lang ako. Hay,” sabi ng Asia’s Songbird.

screencap 2022 10 07 at 3.55.15 PM

Matatandaan na ilang buwan ng pinag-uusapan sa social media ang diumano’y problema sa relasyon nila Regine at Ogie ngunit paulit-ulit naman itong itinanggi ng dalawa.

“I have read some tweets about my wife and I having marital problems. For the record, wifey and I are so much in love and there has not been a day where that love has for each has ever diminished.” ani Ogie sa kanyang post noong Hunyo.

Ngunit hindi naiwasan ng mga netizens na magduda dahil sa hindi diumano kailangan maglabas ng pahayag ni Ogie kung wala naman talagang problema ang relasyon nila.

“If people explain in a social media that the relationship has no problem and the love never deminished? It means the opposite. So yeah they do have a problem imho,” ani Twitter user @joelangelesb.

Noong 2010 ikinasal si Ogie at Regine matapos ang kanilang kontrobersyal na pag-amin na sila’y magkarelasyon.

Inakusahan kasi noon si Regine na naging third party sa dating relasyon ni Ogie kay Michelle van Eimeren.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular