HomeSocial MediaProtektado! Ina ng nasawing Maguad siblings, binalaan na makakasuhan matapos tabihan ang...

Protektado! Ina ng nasawing Maguad siblings, binalaan na makakasuhan matapos tabihan ang suspek

Nagbigay ng update ang guro na si Mrs. Lovella Maguad ilang buwan matapos mangyari ang pagpaslang sa kanyang mga anak na sina Crizzle Gwynn at Crizville Louis Maguad.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang nangyari sa magkapatid na Maguad dahil ang isa sa mga suspek ay naging ampon pa ng nasabing pamilya.

Naging panimula rin ito ng debate tungkol sa Juvenile Justice Law dahil ang mga suspek sa nangyari sa magkapatid na Maguad ay pawang mga menor de edad.

READ MORE: Ampon ng pamilya Maguad na si ‘Janice’ inamin na siya ang nasa likod ng pagpaslang sa mga anak ng kumupkop sa kanya

Sa kanyang kwento, ibinahagi ni Maguad na muntikan na siyang makasuhan ng korte dahil sa kanyang ginawang paglapit sa mga suspek.

maguad siblings

Ayon sa kanya ay hinarap niya ang mga salarin na napapaligiran pa ng mga social workers at sinabi niya ang mga hinanakit niya sa mga ito.

Ikinadismaya niya na malaman na walang tumatanggap na rehabilitation center sa mga suspek.

Suspetsa ng guro ay hindi tinatanggap ang mga suspek sa kahit saang rehabilitation center dahil sa bigat ng kanilang ginawa.

“I was upset upon hearing that until that day , inaasikaso pa daw nila yung papeles na mailipat siya rehab facility sa region kasi wala daw pong tatanggap na rehab center.” sabi ni Mrs. Maguad.

Ibinahagi niya rin na ang isa sa mga suspek na kasabwat ng dati nilang ampon ay 18-anyos na kaya’t hindi na ito kailangan pang dalhin sa rehabilitation center.

Hindi naman nito naiwasan na ilabas ang kanyang hinanakit sa mga suspek.

“Gusto ko marinig niya kung ano ka bigat at ka sakit ang naramdaman namin sa walang awang pagkatay nya sa aming dalawang walang kalaban laban na anak na wala naman kasalanan sa kanya.” sabi ni Mrs. Maguad.

“Gusto ko sa ganoong paraan man lamang maibsan ang pangungulila namin at puot sa dibdib sa siyam na buwan na naming tinitiis.” dagdag pa niya.

Agad naman na umaksyon ang SWAT at inilayo ang mga suspek sa kanya.

Lumabas din ang isa sa mga staff ng korte kung saan ay binigyan siya ng babala na maari siyang ma-contempt sa ginagawa niya sa mga suspek.

“The SWAT moved him to the other side of the bench away from me. It was when I rose my voice. Tanong ko sa SWAT bakit mo siya ililipat? Ano ba ang ginagawa ko sa kanya? Am I hurting him? Ka OA mo naman kulang na lang lagyan mo nang mosquito net yan.” aniya.

“Lumabas po ang Isang court staff from the other room and warned me na pwede daw ako ma contempt. Why would I be charged of CONTEMPT?” dagdag pa niya.

Iginiit naman ni Mrs. Maguad na hindi siya maaring ma-contempt dahil wala pa naman ang judge noong mga oras na ‘yon.

Matatandaan na hinatulan ng hanggang 34 na taon ang dalawang suspek ngunit hindi tanggap ng pamilya Maguad ang naging parusa dahil sa bigat ng kanilang ginawa.

READ MORE: Mr at Mrs. Maguad, hindi tanggap ang naging parusa ng korte sa mga suspek na pumaslang sa kanilang anak

Isinisi naman ng pamilya Maguad sa Juvenile Justice Law kung bakit hindi nabigyan ng pinakamabigat na hatol ang mga suspek.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular