HomeSocial MediaDebut ng isang dalaga, naging emosyonal matapos matapat sa pagpanaw ng kanyang...

Debut ng isang dalaga, naging emosyonal matapos matapat sa pagpanaw ng kanyang ina

Naging emosyonal ang ika-18 na kaarawan ng isang dalaga matapos matapat sa kanyang debut ang pagpanaw ng kanyang ina.

Sa mga larawan at video na ibinahagi ni Rose Jean Pio, makikita ang debutante na si Lovely na pilit paring ipinagpatuloy ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Nakahanda na ang mga pagkain at mayroon pang money bouquet na nakahanda si Lovely ngunit hindi na ito naisip ng debutante at ng mga bisita dahil sa masamang nangyari.

Mas nangibabaw ang pagdadalamhati ni Lovely at ng kanyang mga bisita sa pagpanaw ng ina nito na espesyal pa naman sanang panauhin sa nasabing debut.

debut2

Makikita sa isang video na kinakantahan ng happy birthday ng mga bisita si Lovely ngunit sa gitna ng kanilang pag-awit ay napaiyak rin sila dahil naalala nila ang pagpanaw ng ina ng debutante.

Ayon sa mga kakakilala ni Lovely ay mismong ang ina nito ang nagplano para sa debut ng kanyang anak.

“Nagawa na namin ang gusto mong mangyari, ma. Iba lang kasi wala ka. Ikaw pa rin ang nagplano ng lahat ng ito,” pagbabahagi ng kapatid ni Lovely.

“Imbis na happy birthday, SAD ang 18th birthday. Grabe ang surprise ni mama,” dagdag pa niya.

debut3

Umulan naman ng mensahe ng pakikiramay sa mga netizen si Lovely.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular