HomeCelebritiesChie Filomeno hindi natuwa matapos mapagkamalan na si Christine Dacera

Chie Filomeno hindi natuwa matapos mapagkamalan na si Christine Dacera

Hindi naiwasan ng aktres na si Chie Filomeno na makipag ‘bardagulan’ sa internet celebrity na si Valentine Rosales matapos itong magkomento sa kanyang larawan.

Ito’y matapos magbigay ng komento si Valentine sa isa sa mga larawan ng ID ni Chie.

“Kala ko si ano,” ani Valentine.

Suspetsa ng mga netizen ay ang nasawing kaibigan ni Valentine na si Christine Dacera ang binabangit nito na kahawig ni Chie kaya’t hindi ikinatuwa ng aktres ang naging komento ng internet celebrity.

Matatandaan na ang pagkaungkat ni Valentine sa kaso ng kanyang nasawing kaibigan ang naging isa sa mga dahilan kung bakit ito nakilala sa social media

READ MORE: Dalawang kasama ni Christine Dacera sa hotel, nakitang tila nagtatalo sa CCTV ilang oras bago makita ang flight attendant sa bath tub

chie 1

Dahil dito ay natawag na ‘clout chaser’ ni Chie si Valentine.

Ang ‘clout chaser’ ay tawag sa mga tao na ginagamit ang popularidad ng ibang tao para sa kanyang pansariling interes o pagpapasikat.

chie 2

chie 3

Bilang tugon ay pinuna naman ni Valentine ang pagsosoot ng hikaw ni Chie sa kanyang ID kahit diumano’y bawal ito.

chie 4

Ipinaliwanag naman ni Chie na sa Passport lamang bawal maghikaw at hindi sa Driver’s License.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng komento sa nangyaring bardagulan sa pagitan ng dalawang personalidad.

“Ipagdasal natin ang kaluluwa ni Christine imbes na gawing pangclout ang buhay niya,” sabi ni netizen Maxine.

“Sa mga hindi nakakaalam, kaibigan nyang yumao yung tinutukoy nyang “si Ano”. Grabe lang kase ginagamit nya yun friend nya na naging laman ng mga balita ng ilang linggo din. Hindi tunay na kaibigan yung ganyan.” ani netizen Kams.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular