HomeCelebritiesSass Rogando Sasot sa nagsasabing 'dilawan' siya: "Yung mga dilaw nasa loob...

Sass Rogando Sasot sa nagsasabing ‘dilawan’ siya: “Yung mga dilaw nasa loob ng palasyo!”

Dahil sa kanyang mga pambabatikos sa ilan sa mga aksyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hindi maiwasan ng international relations expert na si Sass Rogando Sasot na maakusahan na ‘dilawan’.

Matatandaan na nitong mga nakaraang linggo ay ilang beses pinuna ni Sasot ang mga ginagawa ni Marcos Jr. kasama na dito ang pagpunta nito sa Singapore para manood ng F1 Grand Prix at ang pakikisalamuha nito sa mga bilyonaryo.

Nitong Oktubre 5 lamang ay pinuna muli ni Sasot si Marcos Jr. kung saan ay sinabi nito na dapat ay sa mga maliliit na negosyante makihalubilo ang pangulo imbis na sa mga mayayaman.

“MSMEs comprise 99.51 percent of business establishments in the Philippines and employ about 63 percent of the country’s workforce. So please lang stop this mingling with billionaires and oligarchs, they are NOT the backbone of Philippine economy.” payo ni Sasot.
Dahil dito ay isang netizen na ang sinabi na dapat umamin na si Sasot na isa siyang ‘dilawan’ kahit na ilang taon itong nakilala bilang ‘pro-Duterte’ blogger.
Ngunit ayon kay Sasot ay hindi siya ang dilawan kundi ang mga nasa loob ng Malacañang.
“Yung mga dilaw nasa loob na ng palasyo,” ani Sasot.
screencap 2022 10 06 at 5.15.39 PM
Screencap mula sa post ni Sass Rogando Sasot

Hindi naman pinangalanan ni Sasot kung sino ang ‘dilawan’ na binabanggit niyang nakapasok na sa Palasyo.

Ilang netizen naman ang ipinagtanggol si Sasot mula sa mga nag-aakusa sa international relations expert.

“Why would Sass do that? Bakit siya magsasuggest sa palasyo, government official ba siya, Presidential Adviser ang peg? She writes what she has on mind, this is her wall, her thoughts, her ideas and I do agree with her kahit suportado ko 100% si PBBM at VP Inday Sara. But that doesn’t mean we cannot say what we have observed from the govt. Di ito fans club, kung yan ang nasa isip nyo na okay lang palagi. That’s the problem with Philippine politics, parang Ate Vi versus Ate Guy fans club ang labanan.” ani Marah Lyd.

“Ang OA mo, pumuna lang dilwan na agad? Totoo naman sinabi nya.” wika ni Ester Nacis.

Ipinaliwanag naman ni Sasot na inuulit niya lamang ang adbokasiya nila na paglaban sa oligarkiya.

“Ano ba pinaputok ng butsi ng iba Dito? Inuulit ko lang naman ang sigaw natin noong eleksyon na ituloy ang laban sa oligarkiya???” aniya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular