HomeCelebritiesRobin Padilla, Tirso Cruz III kontra sa mandatory testing sa mga artista:...

Robin Padilla, Tirso Cruz III kontra sa mandatory testing sa mga artista: “It its against human rights”

Hindi pabor si Senador Robin Padilla at chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Tirso Cruz III sa pagsulong ng mandatory testing sa mga artista upang malaman kung gumagamit sila ng ipinagbabawal na gamot.

Ito’y matapos magbigay ng mungkahi si Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers na obligahin ang mga artista na patunayan muna na hindi sila gumagamit ng ipinagbabawal na gamot kada tatanggap sila ng proyekto.

Ito’y matapos mahuli ang aktor na si Dominic Roco habang bumabatak ito kasama ang ilang kasamahan niya nitong Oktubre 1.

READ MORE: Anak ng Kakampink na si Bembol Roco, himas rehas matapos mahuli sa buy-bust

Ngunit ayon kay Sen. Padilla ay labag ito sa karapatang pantao ng mga artista at mas mainam na boluntaryo na lamang itong gawin ng mga showbiz personalities.

Ayon kay Padilla ay dapat unahin ang mga public officials na dumaan sa mandatory testing.

Samantala ay tinawag na ‘discriminatory’ ni Cruz ang mungkahi ni Barbers.

“We find it greatly discriminatory, however, that actors and performers from the entertainment industry are being singled out for testing,” ani Cruz sa pahayag sa kanya ng ABS-CBN.

Matatandaan na noon pa lamang pinag-iinitan na ang mga artista sa gitna ng paglaban ng gobyerno sa ipinagbabawal na gamot.

Noong 2016 ay sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nasa mahigit 50 na artista ang nasa listahan nila na pinaghihinalaang gumagamit.

Hindi naman ito inilabas ng dating pangulo dahil sa pagkontra ng ilang miyembro ng showbiz na malapit kay Duterte.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular