HomeCelebritiesRenato Reyes, nakakatanggap ng banta: 'Susunod na daw ako kay Percy Lapid!'

Renato Reyes, nakakatanggap ng banta: ‘Susunod na daw ako kay Percy Lapid!’

Inireklamo ni Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Secretary-General Renato Reyes ang diumano’y natatanggap niyang pagbabanta mula sa ilang netizens sa gitna ng nangyaring pagpaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Reyes na nakatanggap siya ng mensahe sa Twitter kung saan ay sinasabi na siya na daw ang isusunod kay Lapid.

Si Lapid ay isang komentarista na kilala sa kanyang mga maanghang na pahayag laban sa mga makapangyarihang mga personalidad kasama na ang Presidente at Bise Presidente.

“Isusunod na daw ako kay Percy Lapid, at hindi pa daw tapos ang taniman, at tataniman daw ako ng .45 caliber na baril eme eme, dahil sa pahayag kaugnay ng byani ni Marcos Jr. sa Singapore,” kwento ni Reyes.

“Ang sa akin lang, parang alam na alam nya yung modus ano?” dagdag pa niya.

screencap 2022 10 06 at 10.16.20 PM
Larawan mula kay @natoreyes/Twitter

Inulan naman ng pagsuporta si Reyes mula sa kanyang mga followers.

“Sir, hindi ko alam kung bakit lagi kang nasa rally mapa-anong administrasyon. Ikaw yung laging kontra feel ko sa lahat. Pero this time around, if ever man na totoo yang threat sa’yo at sana po wag mangyari, kasama mo ko at kami na magbabantay sa katotohanan.” sabi ni netizen @HeartofJess.

Hindi pa malaman kung isinumbong na ba ni Reyes sa mga otoridad ang mga netizen na nagpapadala sa kanya ng mga pagbabanta.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular