HomeNetizen's VoiceMadam Ely, sinabing mayroong 'ahas' sa Malacañang na nagpatalsik kay Atty. Trixie...

Madam Ely, sinabing mayroong ‘ahas’ sa Malacañang na nagpatalsik kay Atty. Trixie Cruz-Angeles: “Sa HQ pa lang dati, alam na naming ahas sila”

Ibinahagi ng blogger na si Madam Ely na mayroon diumanong dahilan kung bakit umalis sa kanyang pwesto si dating press secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles.

Sa kanyang post, sinabi ng blogger na mayroon diumanong ‘ahas’ na lumilingkis sa loob ng Malacañang na diumano’y sinasabotahe ang mga sumusuporta noon pa man kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nabibigyan ng pwesto kasama na si Angeles.

“May nakainuman akong sikat na vlogger nung isang gabi. Sabi niya, alam mo madam you have to understand that some people need to protect their jobs kasi yun lang ang meron sila and if someone tries to come in and outshine them, sasabotage nila yun so that they can remain in power.” ani Ely sa kanyang post.

“Ayokong magname drop kasi ang lakas ng Marites Hit Squad umatake. Pero ang tinutukoy lang naman namin ang mga ahas sa loob ng palasyo ngayon na kahit sa HQ pa lang dati, alam na alam na naming ahas sila. Kami ang pinaka-unang sinabotahe, kaso lang creative and resourceful talaga kami na napull-off namin ang show nung May 9 through our own efforts. Nanood nga si PBBM nun sa amin eh.” dagdag pa niya.

Ayon sa kanya ay hindi na siya nagtataka kung pati ang dating press secretary ay biktima rin ng nasabing ‘ahas’.

Hindi naman pinangalanan ni Ely ang mga nasabing personalidad ngunit dati diumano itong mga ‘dilawan’ na naging tagasuporta nalang ni PBBM noong nanalo ito.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular