HomePoliticsKiko Pangilinan pinagkumpara ang presyo ng bilihin sa Thailand at Pilipinas: "Murang...

Kiko Pangilinan pinagkumpara ang presyo ng bilihin sa Thailand at Pilipinas: “Murang pagkain. Walang gutom.”

Ibinahagi ni dating Sen. Kiko Pangilinan ang kanyang paglalakbay sa Thailand kung saan ay nakita niya ang malaking pagkakaiba ng presyo ng mga bilihin sa nasabing bansa at sa Pilipinas.

Sa kanyang pagpunta sa palengke doon ay hindi niya maiwasan na pagkumparahin ang presyo ng gulay, karne at yamang dagat ng Thailand sa Pilipinas.

Ayon kasi sa kanya ay mas mura ang bilihin sa pinuntahan niyang bansa kaysa sa Pilipinas na posible diumanong nangyari dahil sa mas malaki ang budget ng Thailand sa agrikultura.

“Last week sa Bangkok, 50 baht o 85 pesos 1 kilo ng bawang. 35 baht o 60 pesos naman ang 1 kilo sibuyas. Dito sa atin 400 pesos 1 kilo ng sibuyas at 300 pesos naman ang bawang. 2x more ang govt agri budget sa Thailand at 3x more naman sa Vietnam. Murang pagkain. Walang gutom.” ani Pangilinan.

“Sa Bangkok, ang isang manok naman makakabili ng mga 75 baht o P127 pesos hanggang 80 baht o P136 ang halaga habang dito sa atin P190 pesos ang isang manok.” sabi pa niya.

“Ang karneng baboy naman sa Bangkok mga 150 baht ang isang kilo o P260 pesos habang sa atin P300 ang kasim at P370 ang liempo. Ang sweldo ng mga kababayan natin dito sa Pinas maraming mabibiling masarap na manok, baboy o isda kung presyong Bangkok ang mga bilihin.” pagbabahagi pa ng dating senador.

Matatandaan na isa sa mga isinusulong ni Pangilinan noong tumatakbo siya sa pagkabise presidente ang pagpapaunlad ng agrikultura sa Pilipinas upang mapamura ang bilihin.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular