HomeSocial Media29-anyos na lalaki, nasawi matapos sumali sa 'laklak challenge' kung saan lumaklak...

29-anyos na lalaki, nasawi matapos sumali sa ‘laklak challenge’ kung saan lumaklak siya ng isang long neck kapalit ng P20,000

Hindi maitago ng isang pamilya sa Misamis Oriental ang pagdadalamhati matapos silang mawalan ng miyembro ng pamilya na sumali sa ‘laklak challenge’.

Nitong Oktubre 5 ay binawian ng buhay si Rechie Dumaloan, 29, isang construction worker matapos itong uminom ng isang boteng long neck o 750mL na brandy sa loob lamang ng 20 segundo.

Parte diumano ito ng ‘laklak long neck challenge’ na nauuso ngayon sa social media.

Sumali si Dumalaon sa nasabing challenge dahil sa mayroon itong premyo na P20,000 na gagamitin niya sana upang mapagamot ang kanyang tatay.

dumalaon 1

Nanalo si Dumalaon sa nasabing challenge at natanggap ang premyo ngunit matapos ang ilang oras ay nag-lock jaw ito at nawalan ng malay na naging dahilan para isugod ito sa ospital.

Ayon sa ilang ulat ay hindi na nakayanan pa ng mga doktor na sagipin ang buhay ni Dumalaon dahil sa dami ng alcohol na umakyat sa utak nito at hindi narin tumatalab ang mga gamot na itinuturok sa kanya.

Nakatakda sanang ikasal ang construction worker sa darating na Disyembre 2022.

Hindi ito ang unang ulat na mayroong naospital dahil sa ‘Laklak challenge’.

Matatandaan na ilang buwan na ang nakakaraan ay isang 49-anyos na lalaki din sa Imus, Cavite ang nanganib ang buhay matapos itong kumasa sa ‘laklak challenge’.

Isinugod ito sa ospital matapos mawalan ng malay at humantong pa ito pagkaka-comatose.

Himala namang nabuhay ang lalaki at nangako na hindi na mag-iinom muli.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular