HomeSocial MediaPa-cool kid? Mga estudyante, ibinahagi ang pag-inom nila ng serbesa sa gitna...

Pa-cool kid? Mga estudyante, ibinahagi ang pag-inom nila ng serbesa sa gitna ng klase

Inulan ng batikos sa social media ang isang grupo ng mga kabataan matapos silang magpuslit ng serbesa sa gitna ng kanilang klase.

Ibinahagi ng ilang netizen ang video kung saan ay makikita ang paglalagay nila ng serbesa sa loob ng isang tumbler.

Sa sumunod naman na bahagi ng video ay makikita na ang nasabing grupo habang umiinom sa nasabing tumbler na pinaglagyan ng serbesa.

Tila hindi rin nakalimutan ng grupo na magdala ng pulutan.

Makikita pa sa nasabing video ang guro nila habang nagtuturo.

Mahigpit na ipinagbabawal sa mga eskwelahan ang pag-iinom katulad ng ginawa ng mga nasabing estudyante.

Hinihingan pa namin ng pahayag ang Department of Education (DepED) tungkol sa nasabing isyu.

Posible na maparusahan ang mga nasabing estudyante kung mapatunayan na nag-inom nga sila sa loob ng eskwelahan.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang reaksyon sa ginawa ng mga nasabing estudyante.

“DepED Philippines Tingnan nyo naman to oh. kawawa ang titser. di niya alam kung ano ang nangyayari sa kaniyang mga estudyante. wala siyang kamalay malay. tapos hindi bibigyan ng punishment ang mga studyante? tatawag kay tulfo para patanggalan ng lisensya ang titser??? hay nako!” sabi ni Jayson Francisco.

“Ang cool nyu mga bata sana mapanindigan nyu yan hanggang sa huli, iba na talaga nadudulot ng social medya ngayun pati mga nd dapat ay okay na…tsk tsk,” wika ni Francis Salem.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular