HomeCelebritiesNabudol? Herlene "Hipon Girl" Budol, inireklamo ang dating manager kay Raffy Tulfo

Nabudol? Herlene “Hipon Girl” Budol, inireklamo ang dating manager kay Raffy Tulfo

Inireklamo ng komedyante at Binibining Pilipinas first runner-up na si Herlene Nicole Budol o mas kilala bilang ‘Hipon Girl’ ang kanyang dating manager.

Sa kanyang reklamo sinabi ni Budol na madami diumanong kinaltas sa kanya ang dati niyang manager na si Elizabeth Estrada kahit na diumano’y wala naman itong ambag sa kanyang mga endorsement at appearance sa telebisyon.

Ayon kay Budol ay nasa 30% ang kinakaltas sa kanya ni Estrada kahit na ang direkta na nakikipag-usap ang beauty queen sa mga kumpanya na kinukuha siyang endorser.

“Kailangan daw ay mayroon siyang 30% sa lahat ng pinagtrabahuhan ko,” sabi ng beauty queen.

Isa pa sa mga kinakasama ng loob ni Budol ay ang paniningil sa kanya ni Estrada ng kung ano ano kasama na ang kanyang pakikitira sa bahay ng manager.

Sa huli ay siya pa diumano ang may utang sa manager niya.

Hindi naman mapigilan ni Budol na maging emosyonal habang ikinukwento ang karanasan niya sa dati niyang manager.

Wala pang pahayag si Estrada tungkol sa mga akusasyon sa kanya ng beauty queen.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng talent manager na si Wilbert Tolentino si Budol.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular