HomeCelebritiesJay Sonza, nagbigay na noon ng babala kay Percy Lapid: "Stick to...

Jay Sonza, nagbigay na noon ng babala kay Percy Lapid: “Stick to the issues, not the persons,”

Nagpadala ng mensahe ng pakikiramay ang beteranong mamamahayag na si Jay Sonza sa napaslang na journalist na si Percy Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid.

Matatandaan na nitong Oktubre 3 ay tinambangan si Lapid habang nagmamaneho ito papasok sa isang subdivision sa Las Piñas City.

Ayon kay Sonza ay noon pa lamang ay nagbibigay na siya ng payo kay Lapid dahil kilalang ang nasawing komentarista sa kanyang maanghang na banat sa mga opisyal ng gobyerno.

“Una, sobrang tapang ng bunganga ng mamang ito. Walang pakundangan kung bumanat sa mga taong para sa kanya ang hindi maayos ang kilos at galaw – sometimes irresponsibly truthfull.” ani Sonza.

“Ikalawa, kadalasan, kapag emotionally charged na iyong commentaries niya, nauuwi sa personal na paghahamon ng duelo doon sa binabanatan.” dagdag pa niya.

Hindi rin naiwasan ni Sonza na ikumpara si Lapid sa nasawing mamamahayag na si Jun Pala ng Davao City na kilala rin sa kanyang maanghang na komento.

“Kaya, noong madalas pa kaming magkita sa Maynila, panay ang payo ko sa mga katulad ni Percy na “stick to the issues, not the persons.” Bukod pa sa payong kailangan handa ka at iyong pamilya na maaring hantungan ng iyong pagiging matapang at kung minsan ay palalo. Be extra security conscious.” ani Sonza.

Ilang netizens din ang nagbigay ng komento tungkol sa katapangan ni Lapid.

“Naririndi rin ang tenga na kahit hindi yun ang tinitira parang nayabangan na sa kanyang pananalita… Maraming nakikiramdam sa kanyang style at dina nakapagtimpi… Huwag isisi sa kahit sino sa gobyerno dahil Di lang sila ang nakikinig sa mga banat nya.. Tama po sir Press freedom pero may limitasyon… Anyway RIP..” ani Edna Galano.

“Yes sir tama po kayo, condolence na lang sa family. Di ako nakikinig sa taong ito kasi maiinis ka lang dahil di lang sya sa issue babanat pati personal ng tao babatikusin nya. Maangas ang kanyang tapang.” wika ni Joel de Grano.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular