HomeCelebritiesDirek Paul Soriano, tinanggihan ang alok sa kanya na maging Press Secretary:...

Direk Paul Soriano, tinanggihan ang alok sa kanya na maging Press Secretary: “The position needs more qualified people”

Kinumpirma ni Direktor Paul Soriano na inalok nga sa kanya ang posisyon na Press Secretary na dating hawak ni Atty. Trixie Cruz-Angeles.

Sa panayam sa kanya, sinabi ni Soriano na tinanggihan niya ang nasabing posisyon dahil sa naniniwala siya na dapat ay mas kwalipikado ang maging press secretary.

Mas mainam diumano na tulungan niya ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kahit na wala siyang posisyon.

“Yes, there was a conversation but I feel that the position needs more qualified people to help the President,“ aniya.

“I can be of better service behind the scenes working with the President‘s media and communications team,” dagdag pa niya.

Ayon sa kanya ay isa sa mga kagustuhan niya ay iparating sa mga tao na masipag na pangulo si Marcos na hindi diumano nakikita ng mga netizens.

“At the end of the day, my main mandate is to send out the message that we have a hard working leader that sadly people don’t see,” aniya.

Pamangkin ni First Lady Liza Araneta-Marcos si Soriano kaya’t pumalag ang ilang netizens sa balita na kinokonsidera ang direktor bilang maging press secretary.

Samantala ay sinabi naman ni Metro Pacific Investments Corp executive Mike Toledo na hindi niya tatanggihan ang alok ni Marcos kung sakali na ikonsidera siya bilang press secretary.

“Sino ba naman po tayo para tumanggi? I will be humbled and it will be an honor and a privilege to serve under the Marcos administration,” ani Toledo.

Si Toledo ang huling press secretay mo dating Pangulong Joseph Estrada.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular