HomeCelebrities'Yellow Girl' idineklarang persona-non-grata sa Cotabato dahil sa pagsasayaw nito kasama ang...

‘Yellow Girl’ idineklarang persona-non-grata sa Cotabato dahil sa pagsasayaw nito kasama ang ilang kabataan

Idineklarang ‘persona-non-grata’ ng Matalam, Cotabato Province ang internet celebrity na si ‘Yellow Girl’ o Shaina dahil sa diumano’y ginawa nitong kalaswaan sa isang motor show noong Septyembre 25, 2022.

Kinumpirma ni Matalam Vice Mayor Ralph Ryan Rafael sa kanyang Facebook post na hindi na maaring makapunta pa si Yellow Girl sa kanilang lugar dahil sa ginawa nito.

Matatandaan na kinondena sa social media ang mga ginawa ng nasabing babae kung saan makikita ang tila rated spg na pagsasayaw niya sa harap pa naman ng ilang kabataan.

screencap 2022 10 04 at 1.50.03 PM

Ayon naman sa organizer ng nasabing motoshow na si Mel Gocotano ay hindi nila kinuhang model si Yellow Girl at isa ito sa mga participants.

Sinubukan niya diumanong patigilin ang pagsasayaw ni Yellow Girl at ng mga kasama nito ngunit hindi daw siya marinig kaya’t nagpatuloy lamang ang pagsasayaw.

Humingi naman ng paumanhin ang organizer.

Nagbigay din ng public apology ang babae sa isang panayam.

Sa panayam sa kanya ay ibinahagi din niya ang mga diumano’y paghihirap na naranasan niya sa buhay at problema sa pamilya.

Ayon sa kanya ay nagawa niyang sumayaw upang magkaroon ng pera at may maipambayad sa diumano’y nananakot sa kanya.

“Walang wala na ako eh,” ani Yellow Girl.

Nagbigay din ito ng mensahe sa mga nambabatikos sa kanya.

“Marami po akong nagawa maganda sa lahat kahit wala pa ‘yang vlog, tumutulong na po ako sa lahat, basta lahat ng pumupunta sakin ay tinutulungan ko,” aniya.

“Isa lang po ‘yung pagkakamali ko, sumayaw lang po ako ng ganon para kumita kahit 200 pesos, kahit 100 pa ‘yan basta kumita ako,” dagdag pa niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular