HomeCelebritiesInternational relations expert pinuna ang hindi pagpunta ni PBBM sa lamay ng...

International relations expert pinuna ang hindi pagpunta ni PBBM sa lamay ng limang bayaning rescuer

Pinuna ng international relations expert na si Sass Rogando Sasot si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa mas inuna nito ang imbitasyon sa kanya sa Grand Prix sa Singapore imbis na personal na dalawin ang limang bayaning rescuer na nasawi habang ginagawa ang kanilang trabaho sa San Miguel Bulacan.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang kabayanihan ng limang miyembro ng Bulacan PDRRMO na sina George Agustin, Narciso Calayag Jr., Troy Justin Agustin, Jerson Resurreccion at Marby Bartolome.

Sa kanyang post, hindi napigilan magsulat ng isang open letter si Sasot kay Marcos Jr. upang ipaalam na sana’y mas inuna ni Marcos na saluduhan ang mga bayaning rescuer imbis na unahin ang mga ‘banyaga’.

five rescuers.webp

“Sa akin pong pagkakalaam, pinapunta nyo po si DSWD Secretary Erwin Tulfo para makiramay on your behalf. Pero sa akin pong palagay it was a missed opportunity po sa inyo. Sana po kayo ang mismong pumunta doon upang makiramay, dahil makakapagbigay po ito ng napakalaking pagpapahalaga sa ating mga first responders na nagbubuwis ng kanilang buhay tuwing may sakuna.”¬†ani Sasot.

“Hindi po maiiwasan ang comparison na while hindi po kayo personal na nakiramay sa pamilya ng mga first responders sa Bulacan, pinaunlakan nyo po ang imbitasyon ng Prime Minister ng Singapore para manood ng Formula One Grand Prix nitong Sabado. Mr President, mas kailangan po kayo ng ating mga kababayan kaysa ng mga banyaga.” dagdag pa niya.

Ilang netizens din ang nagbigay ng kanilang opinyon tungkol sa nangyari.

“Agree on this one. I cant help but compared him to PRRD,” ani Kriss Tavita.

“Pwede naman na pumunta parin sya sa bulacan.din after singapore..iwan bat di nagawa..” wika ni Tanaleon Cristina.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular