HomeCelebritiesNagpakilalang kamag-anak ni Lito Lapid na kritiko ng mga Duterte, nasawi sa...

Nagpakilalang kamag-anak ni Lito Lapid na kritiko ng mga Duterte, nasawi sa pananambang

Nasawi ang beteranong broadcaster na si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid nitong Oktubre 3 sa Las Piñas City.

Ayon sa police report ay dalawang kalalakihan ang ginamitan ng armas si Lapid habang nagmamaneho ito papasok sa isang subdivision.

Matatandaan na isa si Lapid sa mga kilalang nambabatikos kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.

Kasama rin sa binabatikos nito si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ngunit maliban sa tatlo ay madami pang binatikos si Lapid kasama na dito ang diumano’y kamag-anak niya na si Sen. Lito Lapid.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ger Gab (@can_gerry)

Matatandaan na noong nakaraang buwan ay tinawag pang ‘epal’ ni Lapid si VP Duterte dahil sa pakikipagpulong nito sa mga miyembro ng security sector.

“Habang wala ‘yung pusa eh umeepal ang daga.” ani Lapid.

“Ano ba eto, kala ko Department of Id*** este, Education si Sikwatary ito, eh bakit siya nakikipagpulong sa National Defense at AFP? Caretaker? Bakit may banta ba, wala naman ah!” ani Lapid.

READ MORE: Nagpakilalang kamag-anak ni Lito Lapid, tinawag na ‘epal’ si Sara Duterte: “Bakit nakipagpulong ka sa AFP?”

Hindi naman maiwasan ng ilang netizen na sisihin sila Duterte at Marcos sa nangyari kay Lapid.

“Percy Lapid is not just a blogger. He’s a true journalist that speaks his heart. No holds barred. Kung sino man ang natamaan nagtagumpay ka sa kasamaan pero di mo mabubura ang katotohanan.” sabi ni netizen @marytransona.

Wala pang pahayag ang Malacañang sa nangyari kay Lapid.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular