HomeCelebritiesNag 50-50! Jake Zyrus matagumpay daw na nai-revive matapos ilagay sa body...

Nag 50-50! Jake Zyrus matagumpay daw na nai-revive matapos ilagay sa body bag dahil sa inakala na dedo na ito

Muntikan na diumanong matuluyan ang singer na si Jake Zyrus, dating si Charice Pempengco sa gitna ng concert nito sa Chicago.

Sa kanyang programa, ibinahagi ni Cristy Fermin na mayroon siyang mga source kung saan ay sinabi nila na ilang beses na nilang nakitang naglasing at nagwala si Jake sa publiko.

“Kwento po ito ng mga kapwa natin Pilipino na nakakapanood kay Charice sa maliliit na mga gigs niya. At sa mga lugar na pinupuntahan niya, laging naglalasing, nagwawarla kapag lasing na at nagsisigaw,” ani Fermin.

Umabot diumano sa sukdulan ang paglalasing ni Jake ng bigla itong mawalan ng malay at inakala ng mga rescuer na dedo na ang singer

Nailagay na diumano sa bodybag ang singer ngunit matagumpay itong nabuhay sa ospital.

“At noong dalhin sa ospital, ni-revive lang. At awa ng Diyos, nabuhay siya uli,” aniya.

Hindi naman naiwasan maawa ni Cristy kay Jake dahil tila sobrang naapektuhan ang singer sa pagkawala ng kanyang kasikatan.

Matatandaan na isa si Jake sa mga hinahangaan sa buong mundo dahil sa angking boses nito ng siya ay si Charice pa.

Ngunit dahil sa ‘transition’ na pinagdaanan ni Jake ay nawala na ang boses nito at naging boses lalaki.

Wala pang pahayag ang kampo ni Jake tungkol sa isyu.

Ngunit nagbahagi ito ng ilang post sa social media kung saan ay nagpe-perform ito.

Hindi naman malaman kung ito ba ang mensahe ng singer sa mga balita na hindi maganda ang kalagayan niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular