HomeCelebritiesJhong Hilario, hindi diumano maitago ang kalungkutan sa nangyari kay Vhong Navarro

Jhong Hilario, hindi diumano maitago ang kalungkutan sa nangyari kay Vhong Navarro

Ibinahagi ng kolumnista na si Cristy Fermin na wala pa diumanong dumadalaw na kasamahan ni Vhong Navarro sa It’s Showtime sa kanyang selda sa National Bureau of Investigation (NBI).

Sa kanyang programa na ‘Showbiz Now Na!” ibinahagi ni Fermin na hindi diumano maatim ng mga kasamahan ni Vhong sa It’s Showtime kasama na si Jhong na makita sa loob ng selda ang komedyante.

“Ang nakikita ko talaga, si Jhong Hilario, kitang-kitang ko ‘yung hitsura ni Jhong na talagang sobra siyang nalulungkot,” ani Fermin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jhong Hilario (@jhonghilario)

Sinabi rin ni Fermin na posibleng may dahilan kung bakit hindi madalaw ng mga kasamahan niya si Vhong.

“Pero meron kasing mga tao na sa halip na makita ko si Vhong na nakakulong, mas gusto ko na na, parang pumanaw. Ako, ayokong nakikita na nakahiga sa kabaong ang isang mahal ko, maliban sa pamilya, bukod sa pamilya. Pero ‘yung nakapiit, naghihimas-rehas. Mag-uusap kayo, may nakaharang na rehas, na abot-kamay niyo lang ang isa’t isa pero merong harang sa pahitan niyo, diba?” sabi ni Fermin.

Ayon sa kanya ay nakikipag-usap lamang ang mga kasamahan ni Vhong sa pamamagitan ng text message na ipapadala sa asawa ng komedyante na si Tanya Bautista.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang mga kasamahan ni Vhong tungkol sa isyu.

Matatandaan na tinanong ang isa sa mga kaibigan ni Vhong na si Kim Chiu tungkol sa kaso na kinakaharap nito pero tumanggi siya dahil sa takot na makasuhan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular