HomeCelebritiesArnold Clavio, may naalala sa pagpunta ni Marcos sa Grand Prix: "Public...

Arnold Clavio, may naalala sa pagpunta ni Marcos sa Grand Prix: “Public officials shall at all times lead modest lives,”

Nagbigay ng kanyang komento ang mamamahayag na si Arnold Clavio tungkol sa pagpunta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong nakaraang weekend sa Grand Prix na ginanap sa Singapore.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Clavio ang kanyang ’tilamsik’ kung saan ay diumano’y naalala niya ang batas kung saan  sinasabi na dapat lahat ng opisyal ng gobyerno kasama na si Marcos ay dapat mamuhay ng simple.

“Lagi namang sumasagi sa isip ng ilan ang Republic Act 6713 o ang “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees” sa ganitong pagkakataon ng mga government official natin.” ani Clavio.

“Sinasaad na , “Public officials and employees shall at all times …. LEAD MODEST LIVES .” Klaro , mamuhay ng simple.” dagdag pa niya.

Sinabi rin nito na mas mainam na nakita ng personal si Marcos na tumutulong sa mga apektado ng Bagyong Karding.

“Sa panahon ng krisis , mas mainam na makita siyang umaaksyon at tumutulong sa pagbangon ng mga biktima ng bagyo,” aniya.

“Kinumpara pa siya sa isang Ama ng tahanan , na sa gitna ng maysakit ang kabiyak at walang makain ang mga anak , ay iiwan muna niya ito pansamantala at luluwas sa Maynila para dumalo sa kaarawan ng kaibigan,” dagdag pa niya.

Sa kanyang post ay ibinahagi din niya ang ilang larawan ni Marcos na kuha sa  Singapore at mga kababayan niyang naapektuhan ng bagyo.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Malacañang sa opinyon ni Clavio kay Marcos.

Matatandaan na maliban kay Clavio ay mayroon ding mga nakapansin ng tila ginawang prayoridad ni Marcos sa pagpunta sa Grand Prix kaysa sa dalawin ang mga apektado ng bagyo.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular