HomeCelebritiesSharon Cuneta nilinaw na may dahilan kung bakit di siya pinapasok sa...

Sharon Cuneta nilinaw na may dahilan kung bakit di siya pinapasok sa Hermes: “They only allow certain number of people”

Hinimok ni megastar Sharon Cuneta ang mga netizens na itigil na ang pambabatikos sa Hermes.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang nasabing luxury brand matapos hindi papasukin si Sharon sa isa sa mga shop nila sa South Korea.

Nakunan ng vlog ang nasabing insidente kung saan ay pinili na lamang ni Sharon na mamili sa ibang luxury brand.

READ MORE: Sharon Cuneta itinaboy ng doorman sa Hermes Store sa South Korea

Sa kanyang Instagram post, nilinaw ni Sharon na hindi masama ang loob niya sa Hermes at mayroong posibleng dahilan kung bakit hindi siya pinatuloy doon.

Ayon kasi sa kanya ay mayroon paring mga patakaran ang mga luxury store katulad ng Hermes na limitahan ang maaring pumasok sa kanilang tindahan.

Naiwasan sana ito kung nagpa-appointment ang megastar.

“Don’t feel bad about Hermes not letting me in! Lots, if not all name-brand stores even in the U.S. allow a certain number of people in at a time – sometimes 10 lang, while the others wait in line outside of the store.” ani Sharon.

“Lots also ask you to make an appointment.” dagdag pa niya.

Ilang netizens naman ang ikinatuwa ang paglilinaw ni Sharon tungkol sa nangyari.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular